Magsasagawa ang Pilipinas at mga kaalyado nito sa pangunguna ng Amerika ng naval exercises simula sa susunod na linggo sa Southern Luzon.
Ang drills na tinawag na “SAMASAMA” ay gaganapin sa ikalawa hanggang ika-15 ng Oktubre sa Naval Forces Southern Luzon (NFSL) Area of Operations.
Sinabi ni Lt. Col. Enrico Ileto, pinuno ng AFP Public Affairs Office na layunin ngayong taon na palakasin pa ang international defense cooperation at isulong ang rules-based international order.
Kabilang sa magpapadala ng personnel para makibahagi sa drills ay ang French Navy at Royal Australian Navy.
Lalahok naman ang Royal New Zealand Navy at Indonesian Navy bilang observers habang makakasama rin sa training ang Japan Maritime Self Defense Force, Royal Canadian Navy, at United Kingdom Royal Navy. —sa panulat ni Lea Soriano