dzme1530.ph

Defense Sec. Teodoro, nanindigang dapat palayasin ang mga Chinese military boats sa Scarborough Shoal

Kung kakayanin, pabor si Defense Secretary Gilberto Teodoro na palayasin ng tropa ng pamahalaan ang mga Chinese vessel sa bahagi ng Scarborough Shoal.

Sinabi ni Teodoro na batay sa international law, ang Scarborough Shoal ay itinuturing na traditional fishing ground ng Pilipinas at China.

Katunayan, marami anyang mangingisdang Pinoy ang tuwang-tuwa sa kanilang mga nakukuhang isda sa Bajo de Masinloc kaya’t apektado sila sa paglalagay ng China ng barrier.

Kasabay nito, nanindigan si Teodoro na malinaw ang layunin ng China na kontrolin ang South China Sea o ang West Philippine Sea kaya’t hindi anya dapat na tumigil ang mga PIliipno na magkaisa upang ipaglaban ang ating sovereign rights at territorial claims sa lugar.

Subalit hindi pabor ang kalihim sa paglulunsad ng giyera laban sa China at sa halip ay dapat anyang isulong ang lahat ng madiplomasya at mapayapaang paraan.

Kinumpirma naman ng opisyal na kasabay ng paghahain ng mga protesta ng Department of Foreign Affairs laban sa mga agresibong aksyon ng China ay may mga plano rin naman anya ang militar para sa defense posture program. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author