dzme1530.ph

55 newly-promoted generals ng PNP, nanumpa sa harap ng Pangulo

Nanumpa sa tungkulin sa harap ni Pangulong Ferdinand Bongbong Jr. ang ikalawang batch ng mga bagong promote na heneral ng Philippine National Police.

Sa Oath Taking Ceremony sa Heroes’ Hall sa Malakanyang ngayong araw ng Miyerkules, nag-oath taking ang 55 newly promoted police officials kabilang ang isang Police Lt. General, 7 Police Major Generals, at 47 Police Brigadier Generals.

Kasama rito sina Police Command-Visayas Commander Police Lt. Gen. Patrick Villacorte, Acting Chief of Directorial Staff Police Major General Emmanuel Peralta, Area Police Command-Northern Luzon Acting Commander Police Major General Jon Arnaldo, Director for Research and Development Police Major General Oliver Enmodias, at Criminal Investigation and Detection Group Director Police Major General Romeo Caramat Jr..

Sa kanyang talumpati, ipina-alala ni Marcos sa police generals ang zero-tolerance policy ng administrasyon sa korapsyon, pagtapak sa human rights, at pag-abuso sa kapangyarihan, sa ilalim ng itinataguyod na bagong Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author