dzme1530.ph

Trabaho Para sa Bayan law, lulutas sa problema sa low quality jobs, skills mismatch, at underemployment —PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang nilagdaan niyang trabaho para sa Bayan Act ay makatutulong na lutasin ang iba’t ibang problema sa labor sector.

Ito ay tulad ng mababang kalidad ng mga trabaho, skills mismatch, at underemployment.

Sa Ceremonial Signing sa Malacañang ng Republic Act no. 11962, sinabi ng pangulo na ang bagong batas ang tutugon sa upskilling o pagpapahusay sa kakayanan ng mga manggagawang Pinoy.

Itataguyod din nito ang paggamit ng digital technologies partikular sa MSMEs kasabay ng pagpapalawak ng kanilang access sa financing at capital.

Magbibigay din ito ng incentives sa employers, industry stakeholders, at private partners.

Kaugnay dito, hinimok ni Marcos ang trabaho para sa Bayan Interagency Council at lahat ng kaukulang ahensya na madaliin ang pagbuo ng implementing rules and regulations ng bagong batas, upang kaagad itong mapakinabangan ng mga manggagawa at stakeholders.

Hinihikayat din ang mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa TPB Council para sa epektibong pagpapatupad ng mga polisiya at programa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News 

About The Author