Isa nang ganap na batas ang trabaho para sa Bayan Act na magpapatupad ng national employment recovery and job generation master plan.
Pinangunahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ceremonial signing ng Republic Act no. 1-1962 o “An act establishing the national employment master plan”, ngayong Miyerkules ng umaga sa Kalayaan Hall sa Malakanyang.
Sa ilalim nito, itatatag ang Trabaho para sa Bayan Inter-Agency Council, na itong bubuo ng TPB Plan para sa paghikayat ng investments sa micro, small and medium enterprises, upang makalikha ng mga trabaho lalo na para sa vulnerable individuals.
Itataguyod din nito ang upskilling o pagpapahusay sa kakayanan ng mga manggagawa, employer incentives, pagbibigay-trabaho sa kabataan, at reintegration o pagbabalik-bansa ng Overseas Filipino Workers.
Ang Inter-Agency Council ay bubuuin ng mga kalihim ng National Economic and Development Authority, Dep’t of Trade and Industry, Dep’t of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority, Dep’t of Budget and Management, Dep’t of Finance, Dep’t of the Interior and Local Gov’t, at mga kinatawan ng employer organizations, labor groups, marginalized sector, at informal sector.
Ang trabaho para sa Bayan Act ay isang priority legislative agenda ng Administrasyong Marcos. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News