Thumbs down si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mungkahing pagtatapyas ng taripa sa imported na bigas sa harap ng mataas na presyo nito sa merkado.
Sa sectoral meeting sa Malacañang, inihayag ng Pangulo na hindi pa ito ang tamang panahon upang ibaba ang taripa dahil nakikita sa projections na bababa ang world prices ng bigas.
Sinabi ni Marcos na dapat lamang ibaba ang taripa kapag pataas ang presyo ng bigas.
Ito umano ang dahilan kaya’t kasama ang agriculture at economic managers ay nagpasiya silang isantabi muna ang proposed tariff cut.
Matatandaang upang maagapan ang pagsipa ng presyo ng bigas, iminungkahi nina NEDA Sec. Arsenio Balisacan at Finance Sec. Benjamin Diokno ang pagbababa ng taripa sa imported rice sa 0% hanggang 10%, mula sa kasalukuyang 35%. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News