Inihayag ng Department of Justice na bibisita sa bansa ang United Nations Special Rapporteur for Extrajudicial Killings bilang Forensic Pathologist at hindi sa bilang Rapporteur on Extrajudicial Killings.
Sa statement, sinabi ng DOJ na personal na inimbita ni Secretary Jesus Crispin Remulla ang Forensic Expert at UN Special Rapporteur on Extrajudicial Summary o Arbitrary Executions na si Morris Tidball-Binz.
Inaasahang darating ang bisita ngayong araw, Pebrero 6 at mananatili ito sa bansa hanggang sa huwebes, Pebrero 9.
Binigyang diin ng kalihim na tutulong si Tidball-Binz sa pagtukoy sa kalituhan sa aniya’y wrongful death tragedies at mabigyan ng karagdagang kaalaman mga forensic pathologists sa bansa upang matulungan ang Law Enforcement Agencies sa kanilang trabaho.
Ayon sa DOJ, si Tidball-Binz ang first director ng Forensic Services and Unit ng International Committee of the Red Cross, kung saan ito nagsilbi simula 2004 hanggang 2020.