dzme1530.ph

DA, hindi pabor sa 0% tarriff rate sa inaangkat na bigas sa bansa

Tutol ang Department of Agriculture (DA) sa panukalang 0% o bawas taripa para sa mga inaangkat na bigas sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Appropriations Vice-Chair Tonypet Albano, sponsor ng budget ng DA, matapos kunin nina Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas at Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado ang posisyon nito sa naturang panukala.

Ayon kay Albano, hindi rin pabor dito si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na siya ring tumatayo na D.A Secretary dahil ang mga lokal na magsasaka ang pinaka apektado dito.

Nabatid na una nang ipinunto ni Brosas na ngayon pa lamang ay bigo na ang D.A na maibigay sa mga magsasaka sa tamang oras ang sobrang kita mula sa nakokolektang taripa, paano pa kaya kung babawasan ito o gagawin pang zero. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author