dzme1530.ph

Revised K-10 curriculum, tinawag na ‘premature’ at ‘experimental’ ng isang grupo

Ipinatitigil ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang “premature” at “experimental” na implementasyon ng revised K to 10 Curriculum program dahil itinuturing lang nito ang mga bata bilang “guinea pigs.”

Sa isang pahayag, ikinalungkot ng grupo na ito ay tulad lamang din ng ini-roll out na K to 12 program noong 2012, kung saan sinabi ng Dep’t. of Education sa publiko matapos ang mahigit isang dekadang pagpapatupad na ang curriculum ay “problematic.”

Sinabi pa ng ACT na ang “MATATAG” Program ay rebranding lamang ng kasalukuyang enhanced basic education curriculum na pangunahing layunin ay sundin ang global demand para sa “cheap and docile laborers.”

Iginiit din ng grupo na ang revised curriculum ay hindi sumailalim sa democratic at genuine consultation ng mga education stakeholder.

Kahapon, Setyembre 26 nang umarangkada ang pilot implementation ng matatag curriculum sa 35 paaralan sa buong bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author