dzme1530.ph

Delivery ng national IDs, sa susunod na taon pa makukumpleto —PSA

Isang taon pa ang hihintayin bago makumpleto ang delivery ng physical cards ng mga Pilipino na nagparehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys) dahil hindi makasabay ang printers sa volume ng kailangang i-imprenta.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, mayroong 81 million Filipinos na nagpatala sa PhilSys.

Wala pa sa kalahati o 39.7 million ang nakatanggap na ng kanilang physical ID cards habang 41.2 million ang naisyuhan lamang ng nakaimprenta sa papel o ePhilID.

Ipinaliwanag ni Mapa na ang backlog ay bunsod ng card printing capacity na kaya lamang mag-accommodate ng hanggang 80,000 per day, subalit nagkaroon ng paglobo sa registration noong 2021 na umabot sa hanggang 250,000 ang nagpatala para sa PhilSys.

Umaasa ang pinuno ng Philippine Statistics Authority na pagsapit ng September 2024 ay makukumpleto na ang pag-i-imprenta ng National IDs, na ang basehan ng operasyon ay first-in, first-out basis. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author