dzme1530.ph

Floating barrier na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc, hindi maaring alisin nang walang go-signal

Hindi maaring basta putulin ng Philippine Coast Guard ang floating barrier sa Bajo de Masinloc na tinatawag ding Scarborough Shoal, nang walang approval mula sa pamahalaan.

Ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela, Spokesperson for the West Philippines Sea, nai-dokumento ng Coast Guard ang 300 metrong haba na barrier na inilatag ng Chinese coast guard upang pigilan ang pagpasok ng mga Pilipinong mangingisda sa lugar.

Sinabi ni Tarriela na lahat ng ebidensya ay ipri-prisinta sa Task Force West Philippine Sea at kailangang maging maingat upang walang magagawang diplomatic step ang PCG.

Kailangan din aniya na mailatag nila ito sa Department of Foreign Affairs at Department of Justice, at higit sa lahat ay makahingi sila ng patnubay mula sa National Security adviser.

Sa hiwalay na panayam ay kinumpirma ni Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi maaring kumilos ng solo ang PCG ay alisin ang floating barrier nang walang proper coordination sa government agencies. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author