Iniimbestigahan ng Bureau of Customs (BOC) ang impormasyon na isang “Chinese Mafia” ang umano’y sangkot sa rice smuggling sa bansa.
Sinabi ni BOC Director Vernie Enciso na nakatanggap sila ng reports kung saan binabanggit ang presensya ng mga tsino sa agricultural smuggling.
Inihayag din ni Enciso na patuloy ang kanilang pagsalakay sa mga kaduda-dudang warehouse.
Simula aniya noong Agosto hanggang noong Sabado ay umabot na sa 236,571 na mga sako ng smuggled na bigas ang kanilang nakumpiska mula sa apat na warehouses sa Bulacan; 36,000 sacks mula sa Tondo, sa Maynila; at 20,000 sacks mula sa Las Piñas at Bacoor, Cavite. —sa panulat ni Lea Soriano