Sisimulan na ngayong Lunes ang pilot implementation ng revised K to 10 curriculum, na tinawag ng Department of Education na “Matatag Curriculum” sa ilang mga piling paaralan.
Sa statement, sinabi ng DepEd na natapos na ang curriculum at teaching strand para sa mga guro na hahawak ng mga klase para sa bagong curriculum habang na-orient na ang school personnel at iba pang indibidwal na magiging bahagi ng implementasyon, monitoring at assessment.
Pumili ang DepEd ng tig-limang eskwelahan sa pitong rehiyon para isagawa ang mga pagbabago sa curriculum para sa Kinder at Grades 1, 4 at 7.
Ipatutupad ito sa School Year 2024-2025 habang idaragdag ang mga pagbabago sa iba pang mga baitang sa mga susunod na taon. —sa panulat ni Lea Soriano