dzme1530.ph

CHR, kinundena ang serye ng pagpatay sa mga kasapi ng vulnerable sectors

Mariing kinundena ng Commission on Human Rights (CHR) ang napaulat na sunud-sunod na kaso ng karahasan at pag-atake sa mga taong kabilang sa vulnerable sectors.

Kabilang na dito ang mga insidente ng pagpatay sa isang pitong taong gulang na batang babae na si Catherine Joy “CJ” Lloren sa Maynila; 61- anyos na si Marcelino Lacsamana sa Quezon City; gayundin sa dalawang senior citizen na sina Rosita Lobaton at Marie Sampang at isang 11- anyos na bata na si Reign Yog Sampang sa Bataan.

Ayon sa CHR, patuloy ang ikinakasang monitoring at imbestigasyon ng ahensya sa tulong ng local government unit na kinabibilangan ng mga biktima upang mabigyan ng hustisya ang mga ito.

Lubhang nakababahala anila ang naturang mga krimen na ginawa sa loob ng kanilang mga tahanan at mismong diumano’y malapit sa kanila ang nasa likod nito.

Inaasahan naman ng CHR ang pagsusumikap ng local authorities na maibigay ang hustisya para sa mga biktima at matiyak na pananagutin ang suspek sa naturang mga krimen. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author