Nagsuspinde ng mga klase ngayong araw, Setyembre 22, ang ilang lungsod sa Metro Manila at lalawigan sa southern tagalog dahil sa volcanic smog o vog na nagmumula sa bulkang taal.
Kabilang dito ang Caloocan, Malabon, Navotas, Las Piñas, Malabon, Mandaluyong, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, at San Juan City; gayundin ang ilang lugar sa Laguna, Batangas, at Cavite na pawang nagkansela ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan.
Kaugnay nito, pinayuhan ng mga Alkalde ang kanilang mga nasasakupan na manatili sa loob ng tahanan o kung lalabas man ay magsuot ng facemasks.
Kahapon, Setyembre 21, nang madetect ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang nasabing volcanic smog. —sa panulat ni Airiam Sancho