Mahigit dalawang milyong turista ang naitala ng Bureau of Immigration sa unang anim na buwan ng 2023.
Kaugnay nito, inaasahan ni BI deputy spokesperson Melvin Mabulac na tataas pa ang bilang ngayong ‘ber’ months o sa holiday season dahil sa mga kababayan na uuwi at mga dayuhan na magbabakasyon sa Pilipinas.
Tiniyak naman ni Mabulac na handa ang kanilang mga tauhan sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga susunod na buwan, kaya pagsapit aniya ng Oktubre at Nobyembre ay suspendido na ang pag-iisyu ng leave sa immigration personnels upang matiyak na kumpleto ang mga ito.
Samantala, simula sa susunod na buwan ay magdedeploy rin ang kagawaran ng newly hired officers sa iba’t ibang paliparan sa buong bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho