Hinihintay pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang assessment sa environmental damage sa Rozul Reef.
Tiniyak naman ni DFA Spokesperson Teresita Daza na handa silang suportahan ang legal actions ng bansa na maaring isampa laban sa mga salarin.
Sa statement na inilabas kagabi, sinabi ni Daza na batid nilang pinag-aaralan na ng Office of the Solicitor General ang mga ligal na hakbang at tutulong sila para sa mga isusulong na kaso.
Una nang iniulat ng Armed Forces of the Philippines na matinding pinsala sa mga bahura ang idinulot ng Chinese militia vessels sa Rozul Reef sa West Philippine Sea. —sa panulat ni Lea Soriano