dzme1530.ph

Paraan upang maiwasan ang kulugo o warts, ating alamin!

Paano maiiwasan ang kulugo o warts?

Kung minsan’y may nakikita tayong itim na tuldok na tumutubo sa iba’t ibang parte ng katawan na kadalasan nawawala makalipas ang ilang buwan. Ngunit, narinig niyo na ba ang kulugo o wart?

Ang kulugo o verruca ay magagaspang na bukol na kadalasan nakikita sa kamay at paa. Kung minsan’y itim na tuldok ang anyo nito. sanhi ito ng isang virus na kung tawagin human papilomavirus (HPV).

Maaring maipasa ang kulugo kung ang isang tao ay naghiram ng gamit, may bitak-bitak sa parte ng balat at matagal nakababad sa tubig.

Payo ng eksperto, para maiwasan ang pagkakaroon ng kulugo, huwag kamutin at haplusin ang balat na kinalalagyan nito.

Dagdag pa nila, iwasang mag-suklay, maghilod o magshave sa lugar kung saan tumubo ang wart. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author