dzme1530.ph

BRP Sierra Madre, nangangailangan ng agarang pagkukumpuni dahil mabilis na ang pagkasira

Mabilis na ang pagkasira ang BRP Sierra Madre na sadyang isinadsad noong dekada nobenta sa Ayungin Shoal, sa gitna ng panawagan ng China sa Pilipinas na alisin na ang naturang barko.

Sinabi ni Defense Senior Undersecretary Ireneo Espino na nangangailangan ang BRP Sierra Madre ng immediate repair kasunod ng resupply operations kamakailan.

Ito aniya ang dahilan kung bakit patuloy ang gobyerno sa pagsasagawa ng rotation at reprovisioning missions sa mga sundalong nakatalaga sa World War II-Era Philippine Navy Vessel sa kabila nang pagpigil ng Chinese militia.

Ang mataktikang pagsadsad ng barko sa Ayungin Shoal ay sinadya ng bansa bilang tugon sa pananakop ng China sa kalapit at noo’y uninhabited na Mischief Reef na saklaw din ng Pilipinas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author