Asahan na ang maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng Huwebes, Sept 21.
Ayon sa PAGASA, intertropical convergence zone (ITCZ) pa rin ang nakaaapekto sa Mindanao na nagdadala ng pag-ulan sa Caraga, Davao Region at Eastern Visayas.
Makararanas naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ng mainit na panahon sa umaga hanggang tanghali pero may tiyansa ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi bunsod ng ITCZ at localized thunder storm.
Wala namang nakataas na gale warning kaya malayang makakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda maging ang maliliit na sasakyang pandagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24.5°C hanggang 33.3°C. —sa panulat ni Joana Luna