Pumalo na sa 27 ang bilang ng mga nasawi at mahigit 200 ang sugatan matapos atakihin ng mga teroristang grupo ang mga bayan ng Artsakh at Stepanakert sa Azerbaijan.
Sa pinakahuling report ni Gegham Stepanyan, isang human rights defender sa Artsakh, hindi pa kasama sa naturang bilang ang mga nasa medical institution sa Askeran at Martuni kaya posible pa itong madagdagan.
Ayon naman kay Former Artsakh State Minister Artak Beglaryan, dinig na dinig ang sunud-sunod na pambobomba sa bayan ng Stepanakert kaya kaagad na pinalikas ng mga otoridad ang mga residente sa anim na villages na malapit dito.
Ipinanawagan din ni Artsakh Foreign Minister Sergey Ghazarya sa international community na magkasa na ng epektibong aksyon para mabilis na mapigilan ang mga agresibong pag-atake sa Azerbaijan. —sa panulat ni Jam Tarrayo