Pumalo sa kabuuang 115.11 million kilograms ang inangkat na karne ng Pilipinas noong August, batay sa datos ng Dept. of Agriculture – Bureau of Animal Industry (DA-BAI).
Mas mataas ito ng 3.25% kumpara sa 111.47 million kg na naitala noong July, subalit mas mababa naman ng 1.54% kumpara sa 116.91 million kg na naiulat sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Nanguna naman ang karneng baboy sa may pinakamalaking import share na 59.12 million kg.
Sinundan ito ng karne ng manok na may 40.14 million kg, at karne ng baka na may 13.93 million kg.
Pinakamalaking supplier naman ng karne ng Pilipinas ang Brazil, sinundan ng United States, at Spain.—sa panulat ni Airiam Sancho