Welcome sa isang grupo ang naging anunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtatakda ng National Food Authority Council ng bagong price range sa pagbili ng bagong ani at dry o tuyong palay.
Partikular na tinukoy ng grains retailers Confederation of the Philippines (GRECON) Spokesperson Orly Manuntag ang P16 hanggang P19 na buying price ng bagong aning palay at P19 hanggang P23 kada kilo sa tuyong palay.
Sinabi ni Grecon Spokesperson Orly Manuntag na ito ay magandang balita para sa mga magsasaka dahil tataas na ang kanilang kita at mas gaganahan ding magbenta ng palay.
Inaasahan naman ng grupo na mas dadami ang suplay ng palay kapag umabot na ang peak ng anihan sa katapusan ng Setyembre hanggang unang linggo ng Oktubre, na magreresulta sa pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan. —sa panulat ni Airiam Sancho