dzme1530.ph

Pagsirit ng presyo ng asukal sa world market, hindi makakaapekto sa local industry

Hindi kayang patayin ng global situation ang lokal na industriya sa kabila ng patuloy na pagbaba ng world production na nagreresulta sa patuloy na pagtaas ng global prices.

Ito ang inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Pablo Azcona kasunod ng naitalang 35.5% na pagsirit sa presyo ng asukal sa world market.

Ayon kay Azcona, nagbababaan na ng crop yields at nagbabawas na rin ng ani ang mga nangungunang exporter ng asukal gaya na lamang ng India, Thailand at China.

Dahil dito, mas magiging mahigpit ang global supply ng asukal kaya malaki ang posibilidad na magtaas ang presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Gayunman, tiniyak ni Azcona na hindi na mag-iimport ng asukal ang bansa hanggang sa katapusan ng taon dahil sasapat na ang dalawang buwang buffer stock nito sa pangangailangan ng publiko.

Nabatid na sa pagtataya ng SRA para sa crop year 2023-2024 o mula Set. 01, hanggang 30 ng Agosto, 2024,  posibleng umabot sa 1.85 million metric tons ang total sugar production sa bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author