dzme1530.ph

Alamin ang mga supplements na hindi dapat inumin sa gabi

May iba’t ibang dahilan kung bakit hindi dapat inumin ang ilang partikular na supplements sa gabi.

Mayroon kasing supplements na nagtataglay ng sugar o caffeine kaya maari itong magresulta ng problema sa pagtulog.

Kabilang sa mga supplements na hindi dapat inumin sa gabi ay ang Vitamin B na mas effective inumin sa umaga dahil nagbibigay ito ng energy para sa maghapong aktibidad, gayundin ang multivitamins at energy herbs.

Mas mainam din na huwag uminom ng Vitamin D sa gabi dahil posibleng mabawasan nito ang production ng melatonin na sleep hormone, at calcium na maaari namang makaapekto sa isa pang supplement na magnesium na nagpo-promote ng relaxation.

Hindi rin epektibong inumin sa gabi ang Vitamin C dahil acidic ito at maaring magdulot ng problema kapag ininom ng walang lamang ang tiyan, gayundin ang zinc na karaniwang bahagi ng multivitamins subalit maaring inumin ng solo o kumbinasyon kasama ng Vitamin C. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author