Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi lamang sa ecosystem at food security ng Pilipinas makaaapekto ang pinsala sa marine resources, kundi maging sa buong rehiyon.
Sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na dapat maintindihan ng lahat na mayroong tinatawag na interconnectivity ng marine ecosystem, at ang pagkasira ng mga bahura sa West Philippine Sea ay naglalagay sa alanganin sa fish sufficiency at food security ng lahat ng mga bansang nasa rehiyon at nakapaligid sa rehiyon.
Sinegundahan din ng BFAR ang posisyon ng National Task Force on the West Philippine Sea na anumang presensya ng mga dayuhan sa pinag-aagawang teritoryo ay banta sa soberanya ng bansa.
Una nang napaulat na Chinese maritime militia vessels ang itinuturong pumipinsala sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea. —sa panulat ni Lea Soriano