Nakaaapekto ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa ilang lugar sa bansa partikular sa Mindanao.
Dahil dito, sinabi ng PAGASA na asahan na ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa nasabing isla.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-uulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.
Sumikat ang haring araw kaninang 5:45 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:56 ng hapon.