Magsisimula nang mag-export ng Avocado ang Pilipinas sa South Korea sa katapusan ng Setyembre.
Ayon sa Department of Agriculture (D.A.), ang initial shipments ay magmumula sa Orchards na accredited ng Bureau of Plant Industry at Packaging Operations ng DOLE Philippines, Inc. sa Davao, Bukidnon, at South Cotabato.
Sinabi ng DA na ang initial agreement ay nilagdaan noong June 19 at naging epektibo noong Sept. 8 para sa mga prutas na aanihin ngayong 2023-2024 season.
Unang humiling ang pamahalaan ng export access para sa Avocado noong 2009 subalit tinanggihan bunsod ng pest concerns. —sa panulat ni Lea Soriano