Kabuuang 16,297 Cybercrime cases ang inimbestigahan ng PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) simula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Resulta ito ng pagkakasagip sa 4,092 na mga biktima ng drug operations at Human Trafficking, at pagkaka-aresto sa 397 indibidwal.
Sinabi ng PNP-ACG na ang mga kaso ngayong taon ay nag-evolved sa pamamagitan ng pagsasamantala sa makabagong teknolohiya, gaya ng non-fungible tokens, cryptocurrencies, at online casinos, na nakapanloko ng mga biktima.
Noong Hulyo ay iniulat ng PNP na lumobo ng 152% ang cybercrimes sa National Capital Region simula Enero hanggang Hunyo na umabot sa 6,250 cases mula sa 2,477 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.—sa panulat ni Lea Soriano