dzme1530.ph

Provisional na taas-pasahe sa jeep, posibleng aprubahan ng LTFRB bago matapos ang taon

Posibleng aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang provisional na taas-pasahe sa public utility jeepneys bago matapos ang 2023.

Humingi naman ng kaunting panahon si LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz upang matukoy nila kung magkano at kung kailan ang tamang panahon para ipatupad ang fare hike.

Noong nakaraang buwan ay naghain ang transport groups na Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organization, at Alliance of Transport Operators and Drivers’ Association of the Philippines, ng petisyon para sa limang pisong increase sa minimum na pasahe sa jeep, sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Humirit din ang tatlong organisasyon ng pisong dagdag-pasahe sa kada kilometro, paglagpas ng unang apat na kilometro sa biyahe. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author