dzme1530.ph

Halos 18,000 suicide-related calls, natanggap ng National Center for Mental Health simula 2019

Kabuuang 17,884 suicide-related calls ang natanggap ng National Center for Mental Health (NCMH) simula nang ilunsad ang kanilang crisis hotline noong 2019.

Ayon kay NCMH Crisis Hotline and Center for Wellness Program Director, Dr. Bernard Argamosa, karamihan sa mga tawag na ito ay nangyari noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Batay sa datos, 325 suicide-related calls ang natanggap noong 2019; 1,382 noong 2020; 7,618 noong 2021; 6,853 noong 2022; at 1,706 as of March 2023.

Karamihan sa mga tumawag ay 18 to 31 years old, at mga babae at ang mga dahilan ay anxiety o depressive symptoms; problema sa pag-ibig o relasyon; problema sa pamilya; humihingi ng referral sa psychiatrist o psychologist; at kailangan ng kausap. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author