dzme1530.ph

Kondisyon na kung tawagin ay Botulism, alamin!

Ang Botulism ay isang sakit na mula sa bakteryang tinatawag na clostridium botulinum na pumaparalisa sa mga kalamnan dulot ng pagkalason sa mga ugat.

Mayroong tatlong uri ng Botulism: ang Foodbone Botulism na karaniwang nakikita sa pagkaing kontaminado ng lason; Infant Botulism na natatagpuan sa mga sanggol na mayroon C Botulinum sa kanilang mga bituka; at Wound Botulism na natatagpuan sa mga apektadong lupa na may bacteria.

Ayon sa mga eksperto ito’y hindi nakahahawa at madalas makita sa mga kontaminadong mga pagkain.

Ilan sa mga sintomas ng botulism ay ang mga sumusunod: pagdalawa ng paningin; paglabo sa pagbigkas; mahirap na paglunok; panghihina ng mga kalamnan.

Nagsisimulang magpakita ang senyales ng sakit 12 hanggang 72 oras pagkatapos malunok o madampi sa katawan ang lason.

Kaya payo ng mga eksperto, ugaliing magpasuri agad kung mayroong nararamdaman, at panatilihing malinis ang katawan gamit ang sabon at tubig. —sa panulat ni Zaine Bosch

About The Author