dzme1530.ph

4 Japanese National suspect sa pagnanakaw, hiniling ipade-deport sa Japan.

Pormal na hiniling ng Japanese Embassy sa gobyerno ng Pilipinas na i-deport ang apat sa kanilang mamamayan pabalik sa Japan, sa gitna ng reports na ang mga ito ang nag-uutos ng serye ng pagnananakaw sa Japan sa pamamagitan ng kanilang smart phones.

Sinabi ni Akihiko Hitomi, Japanese Embassy Media Relations Officer, na nagpadala na sila ng request sa Department of Justice (DOJ) upang i-turnover sa kanila ang apat na Japanese Nationals.

Sa ulat ng Japanese Media, ang mga suspek ang nag-uutos ng pagnanakaw sa iba’t ibang prefectures sa Japan mula sa kanilang detention facility sa Pilipinas.

Sangkot umano ang mga ito sa labing-apat na robberies, pati na sa pagpaslang sa nobenta anyos na babae sa Tokyo.

Ayon naman sa Japanese Police, ginagamit ng mga suspek ang alyas na “Luffy” na isang karakter sa sikat na Japanese manga na “One Piece.”

About The Author