dzme1530.ph

Phil. Salt Industry Development Act, makapagbibigay trabaho sa mga Pinoy —Cong. Wilbert Lee

Tiwala si AGRI-Party-list Rep. Wilbert Lee, na makadaragdag sa trabaho ang binubuhay na salt industry sa bansa.

Ayon sa kinatawan ng mga magsasaka sa Kongreso, maganda ang timing ng Philippine Salt Industry Development Act lalo pa at patuloy ang pagdami ng mga Pilipinong walang trabaho.

Nababahala si Lee sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan sa dalawang magkasunod na buwan, tumaas ang unemployment rate mula 4.5% noong Hunyo naging 4.8% ito noong Hulyo.

Para kay Lee, ang ganitong problema ay kailangan bantayan dahil kapag kulang ang trabaho, nangangahulugan na maraming pamilyang Pilipino ang nagugutom.

Gayun man, sa pagsasabatas ng Salt Industry Development Act, malaki ang pag-asa na makalikha ito ng trabaho lalo na sa mga coastal areas.

Si Lee ay principal author ng Salt Industry Development Act sa Mababang Kapulungan. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author