dzme1530.ph

Subsidiya para sa rice retailers, exempted mula sa election ban

Inaprubahan ng Comelec ang kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing exempted mula sa ban ang payout sa rice retailers, kaugnay ng October 30 Barangay at Sangguniang Kabataan.

Bunsod nito, sinabi ng poll body na maaring maglabas, mamahagi, at gumastos ang DSWD sa prohibition period mula Sept. 15 hanggang Oct. 30, ng financial aid na nagkakahalaga ng P800 million sa mga apektadong rice retailers.

Inilabas ni Comelec Chairman George Garcia ang exemption, batay na rin sa request ng DSWD, pati na sa rekomendasyon ng kanilang law department.

Gayunman, ipinaalala ng poll body sa ahensya na tiyaking ang pamamahagi ng ayuda ay hindi makai-impluwensya sa pagsasagawa ng BSKE. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author