Sisimulan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong araw ang pamamahagi ng P3-B halaga ng fuel subsidy para sa public utility vehicle (PUV) operators.
Ayon sa LTFRB, nasa 1.36 milyong benepisyaryo ang makatatanggap ng subsidiya sa pamamagitan ng e-wallet accounts, bank accounts at fuel subsidy cards.
Ang pagbibigay ng subsidiya ang nakikitang paraan ng pamahalaan upang maibsan ang matinding epekto ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo nitong mga nakalipas na linggo.
P10,000 ang matatanggap ng operators ng modern jeepneys at UV express units; P6,500 naman sa traditional jeepneys, shuttle services, taxis, tourist transport services, school services at tnvs; habang P1,200 sa delivery riders; at P1,000 sa tricycle drivers. —sa panulat ni Lea Soriano