Pinawalang-sala ng Pasig Regional Trial Court Branch 157 ang Nobel Laureate at Rappler Holdings Corp. (RHC) CEO na si Maria Ressa laban sa kasong tax evasion na isinampa kaugnay sa hindi pagdedeklara ng buwis noong 2015.
Ito ang inihayag ni Atty. Francis Lim, abogado ni Ressa na i-nacquit ng Pasig RTC ang mamamahayag at ang RHC sa paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code o Tax Code.
Dahil dito, acquitted na si Ressa at ang RHC sa 5 tax evasion charges na inihain laban sa kaniya sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong November 2018, inakusahan ng gobyerno si Ressa dahil sa kabiguang ideklara ang tama at eksaktong impormasyon kaugnay sa quartetly sales receipts mula sa pag-iisyu at pagbebenta ng Philippine Depository Receipts (PDR) na nagkakahalagang P2.45 million. —sa panulat ni Airiam Sancho