dzme1530.ph

Comelec, hinimok ang mga mambabatas na ibalik ang P5.7-B preparatory budget para sa twin elections sa 2025

Hinimok ng Commission on Elections ang mga mambabatas na ibalik ang P5.7-B preparatory budget para sa twin elections sa 2025.

Giit ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, kailangan ang karagdagang pondo para sa pagdaos ng May 2025 midterm polls at 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections dahil hindi nila ito inaasahan.

Ayon pa kay Garcia, wala ring probisyon ang 2024 proposed budget para sa internet voting ng Overseas Filipinos, na mangangailangan ng P794.4-M.

Bukod dito, nabawasan rin aniya nang halos kalahati ang pondo para sa voter education.

Nabatid na nasa P27.34-B ang panukalang pondo ng ahensya sa ilalim ng National Expenditure Program, mas mababa ng P17.34-B kumpara sa inihihirit na P44.77-B. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author