dzme1530.ph

Mga pribadong paaralan, maaaring panatilihin ang ‘Marcos’ sa mga aralin kaugnay sa diktadura —COCOPEA

May kalayaan ang mga pribadong paaralan hinggil sa polisiya ng Department of Education, kabilang ang isang panukala na palitan ang pangalan ng paksa sa panahon ng Martial Law mula sa “Diktadurang Marcos” sa “Diktatura” lamang sa Curriculum ng Grade 6.

Ito ang binigyang-diin ni Atty. Kristine Carmina Manaog, Legal Counsel ng Coordinating Council of Private Education Associations (COCOPEA) na ang private schools ay subject sa “Reasonable Regulation at Supervision” ng DepEd, subalit maaaring lumampas sa standard curriculum.

Ayon kay Manaog, may discretion ang mga pampublikong paaralan na mag-alok ng karagdagang subjects at topics na hindi required na ituro sa public schools.

Magugunitang nagbigay katwiran ang Dept. of Education ukol sa desisyon nito na alisin ang pangalan ni “Marcos” mula sa salitang “diktador” sa kanilang nirebisang curriculum.

Nilinaw pa ng ahensya na ang lesson guide para sa Araling Panlipunan ay nahahanay at inorganisa ng mga curriculum specialists. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author