Biyaheng Singapore si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mismong kanyang kaarawan bukas, Setyembre 13.
Ito ay para sa pagdalo sa 10th Asia Summit, at panunuod ng finals ng Formula One Singapore Grand Prix 2023.
Ayon sa Malakanyang, magsasalita ang Pangulo ng 30 minuto sa Asian Summit, at tatalakayin niya ang mga ginagawa ng kanyang gobyerno upang mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino sa harap ng mga pagsubok mula sa global events.
Ang Asia Summit ay pangangasiwaan ng Milken Institute, non-profit think tank.
Bukod dito, makikipagpulong din si Marcos sa business leaders sa Singapore upang palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya at bumuo ng posibleng partnerships sa mga piling industriya.
Manunuod din ito ng finals ng F-1 Singapore Grand Prix, bilang pagpapaunlak umano sa imbitasyon ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.
Matatandaang si Marcos ay nabatikos noong nakaraang taon matapos ang unannounced trip sa Singapore para manuod ng F-1 Grand Prix. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News