dzme1530.ph

Valenzuela LGU nanawagan sa LTO na asikasuhin ang agarang paglipat ng ownership ng sasakyan lalo’t nadadawit sa mga krimen

Nanawagan ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na madaliin at maglagay ng panuntunan sa mga transfer of ownership para agad na matunton ang sinoman nakagawa ng krimen partikular sa mga road rage incidents.

Ayon kay sa Alkalde ng Valenzuela na si Mayor Wes Gatchalian, nahirapan silang matunton ang nagmamay-ari ng Fortuner na may plakang NBB-3135 dahil nagpasalin-salin na ito ng may-ari.

Kaugnay parin ito sa nangyari sa driver ng Fortuner na nagkasa ng baril at nambatok sa driver ng taxi driver sa Valenzuela, kamakailan.

Ayon sa dati ring mambabatas, mainam na rebisahin ng LTO o ng kongreso ang mga panuntunan ng pagtatransfer ng ownership ng sasakyan para agad na mahuli ang sinomang nakagawa ng krimen sa daan. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author