Posibleng maglabas ng desisyon ang pamahalaan sa susunod na dalawang linggo kung babawiin na ang ipinatutupad na price cap sa bigas.
Ito, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, kasabay ng pagbibigay diin na ang implementasyon ng rice price ceiling ay hindi standalone measure ng gobyerno.
Sinabi ni Pascual na ang naturang hakbang ay para rin maresolba ang problema sa hoarding, profiteering, at cartelization.
Una nang inihayag ni Trade Assistant Secretary Agaton Uvero na umaasa ang pamahalaan na hindi lalagpas ng isang buwan ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas, dahil sa pagsisimula ng tag-ani ngayong Setyembre. —sa panulat ni Lea Soriano