dzme1530.ph

Pagbabawal sa paggamit ng TikTok sa government security sector, suportado ng Internet Society

Nakakuha ng suporta ang proposal ng National Security Council (NSC) na ipagbawal ang paggamit ng TikTok sa State Security Services Personnel.

Ipinaliwanag ni Winthrop Yu, Chairman Emeritus at Acting Spokesperson ng Internet Society (IS) Philippines Chapter, na lahat ng social media platform ay nagdadala ng certain amount of risk subalit tumataas ang panganib na ito kapag gumagamit ng China-based digital App na TikTok.

Sinabi ni Yu na obligado kasi ang mga kumpanya sa China na makipag-cooperate sa Chinese Authorities, lalo na sa mga usaping may kinalaman sa pagbabahagi ng impormasyon.

Dahil aniya rito ay walang ang choice ang TikTok kundi i-surrender ang lahat ng kanilang nakukuhang mga impormasyon sa Chinese Security Services. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author