Epektibo na ngayong araw ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ng ilang kumpaniya ng langis.
Sa inilabas na anunsiyo ng oil companies, P0.40 ang itinaas sa kada litro ng diesel habang P0.20 per liter ang dagdag-presyo sa gasolina.
Nasa P0.20 naman ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene o gaas.
Ito na ang ika-10 sunod na linggo na nagpatupad ng taas-presyo sa diesel at kerosene.
Samantala, inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na gugulong na sa Sept 26 ang pagdinig hinggil sa hiling na pisong provisional increase sa minimum fare sa jeepney.