Plano ng local sugar producers na mag-export pa rin ng asukal sa Estados Unidos sa ilalim ng Country-Specific Tariff-Rate Quotas (TRQ) sa kabila ng kakulangan ng suplay.
Paliwanag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator at Chief Executive Pablo Luis Ascona, maraming stakeholder ang nagpahayag ng ideya na ipagpatuloy ang commitment, dahil sa alalahanin na mawalan ng taunang alokasyon ang Pilipinas.
Nabatid na binigyan ng US Trade Representative ang bansa ng alokasyon na 145,235 metric tons ng raw cane sugar sa ilalim ng US TRQ para sa fiscal year 2024.
Samantala, target ng SRA na maglabas ng panibagong kautusan para sa pag-aangkat ng retail sugar upang pataasin ang domestic supply at ma-stabilize ang presyo sa P85 kada kilo. —sa panulat ni Airiam Sancho