dzme1530.ph

Ban sa bomb jokes, para sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon —DOTr

Ipinaalala ni Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi lamang sa eroplano ipinagbabawal ang bomb jokes.

Ginawa ng kalihim ang paalala, kasunod ng bomb threat sa Metro Rail Transit-3 noong Biyernes na aniya ay hoax.

Nanawagan si Bautista sa publiko na huwag gawing biro ang bomb threat sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon, dahil may katapat itong parusa.

Alinsunod sa Presidential Decree no. 1727, ang sinumang magbitaw ng bomb jokes at bomb threats ay maaring mabilanggo ng hanggang limang taon, o multa na hanggang P40,000, at puwede ring parehong kulong at multa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author