dzme1530.ph

Mga magsasaka, patuloy na dumadaing dahil sa mahinang bentahan ng sibuyas

Patuloy na dumadaing ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa mahinang bentahan o walang bumibili ng kanilang ani.

Ito ang sinabi Nueva Ecija 3rd District Rep. Ria Vergara kasabay ng apela sa Bureau of Plant Industry na ihinto na ang pagbibigay ng import permit para sa sibuyas.

Ayon sa kongresista, dahil mas mura ang inangkat na sibuyas na may landed cost na P35 kada kilo, mas pinipili ito kaysa sa pulang sibuyas na may farm gate price na P65 hanggang P70 bawat kilo.

Bunsod nito, nanawagan si Vergara sa gobyerno na tulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang produkto upang mabawi ang ipinuhunan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author