Magpapadala ang Spain ng search and rescue teams at iba pang tulong sa Morocco na niyanig ng magnitude 6.8 na lindol, makaraang matanggap ang pormal na kahilingan.
Ayon kay Spanish Foreign Minister Jose Manuel Albares, natanggap niya ang tawag mula sa kanyang Moroccan counterpart para sa hiling na ayuda at masagip ang iba pang biktima ng malakas na lindol.
Tiniyak din ni Albares ang tulong ng espanya para sa muling pagbangon ng Morocco subalit sa ngayon ay uunahin muna nila ang pagliligtas ng mga buhay.
Sa pinakahuling tala ay umakyat na sa 2,012 ang bilang ng mga nasawi habang hindi bababa sa 2,059 ang nasugatan sa malakas na pagyanig. —sa panulat ni Lea Soriano