Inaasahang mai-stabilize na ang presyo ng bigas at palay sa pagsisimula ng tag-ani ngayong Setyembre hanggang Oktubre.
Ayon sa Department of Agriculture, ang initial target na maha-harvest ay 5 million metric tons, na kinabibilangan ng 2 million metric tons pagsapit ng katapusan ng Setyembre, at 3 million metric tons sa Oktubre.
Kabilang sa mga lalawigang panggagalingan ng supply ngayong buwan ay sa Isabela, Cagayan, Iloilo, Nueva Ecija, North Cotabato, Leyte, Oriental Mindoro, Camarines Sur, Bukidnon, Zamboanga del Sur, at Davao del Norte. —sa panulat ni Lea Soriano