Tinanggihan ng Chinese Coast Guard (CCG) vessel ang alok na tulong tropa ng pamahalaan na nakatalaga sa BRP Sierra Madre makaraang ma-stuck ito sa laot.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, nangyari ang insidente sa habang binubuntutan ng inflatable boat ng CCG ang Philippine vessel na patungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Biyernes.
Sinabi ni AFP Spokesman Col. Medel Aguilar na pumulupot sa Chinese rubber boat ang mooring line ng isang Filipino fishing boat na 50 yarda ang layo sa mula sa nakasadsad na barko.
Aniya, nilapitan ng mga Pilipinong sundalo sa pamamagitan ng dalawang rubber boats ang bangka ng CCG para alukin ng tulong subalit bukod sa tinanggihan nila ito ay sinisi pa ng mga tsino ang tropa ng Pilipinas kaya sila na-stuck sa tubig. —sa panulat ni Lea Soriano